Custom Search

Thursday, November 6, 2008

Up close and personal with Patani Daño

By Jill Beltran

BECOMING a household name was really a dream come true for household maid Patani Daño.

Despite being rejected several times in various reality TV artista searches, Patani never thought of abandoning her ambition, instead she strived harder to find her crack on TV.

Until finally, a perfect reality show that matched her personality came. Patani used her short stretch in "Survivor Philippines" as a podium to show what she has to offer the public.

She had been able to show off her side-splitting monologues that create laughter within her tribe. She was known as a comical and carefree survivor.

Not all finalists of reality shows could sustain their career in showbiz. Most of them come and go. Luckily, going is not included in Patani's word list.

She signed a contract with GMA Artists Center just recently together with her other female Survivor contenders.

Now that she is sure to be a public figure, the public should know some highlights about the Pambansang Yaya's life.

Who is Patani Daño?

Where did you get the name Patani?

"Sa 13 magkakapatid, ako lang po ang naiiba sa kulay tapos dito po sa Maynila ang patani po ay kilala bilang isang gulay pero sa amin po manok na native. Maitim po."

How do you feel being tagged as Pambansang Yaya?

"Ini-isip ko, e wala naman masama kung katulong ka. Kumbaga 'yung pagiging katulong, never kong ikinahiya 'yun sa buong buhay ko. Kaya okay lang 'yun."

How long have you been a yaya?

"Apat na taon. Kamag-anak ko lang talaga 'yung pinapasukan ko sa Camotes sa Cebu. 'Yung inaalagaan ko pamangkin ko po. Ngayon nag-aaral na siya."

Describe your life at Camotes Island in Cebu.

"Mahirap ang sitwasyon doon. Nakapagtapos ako ng high school sa University of Cebu first year hanggang third year tapos lumipat ako sa Talisay Central Night High School. Pinag-aral ako ng kapatid ko. Kaso mahirap ang sitwasyon doon. Financial ewan ko ba, tatanga-tanga din talaga ako eh. Hindi ako masyado mahilig mag-aral."

"Pangalawa po ako sa bunso. Yung ibang kapatid ko nakapag-asawa na. Yung iba walang trabaho."

Patani the dreamer

Why do you aspire to become a star?

"Mula po ng ipinanganak ako ng nanay ko, ito na po ang gusto ko - maging isang artista. Masayang masaya po ako ng sobra sobra."

"At dahil din po kung habang buhay ka nandon sa amin, mag-aasawa ka lang ng maaga. Kaya ako mataas ang pangarap ko. Ayokong matulad sa iba kong kaibigan puro may asawa na. At bata pa lang iba na talaga pag-iisip ko sa kanila gusto ko talaga 'magka-exfosyur'."

How is your family taking your sudden stardom?

"Masaya po sila sa akin. Hindi nila maisip na nandito ako ngayon, nakikita nila ako sa TV. Kasi noon wala akong pinangarap kundi mag-artista. Naiiba ako sa amin. Nagsasalita ako ng Tagalog ng naglalakad. Nanonood ako ng TV. Tinatanong nila saan daw ako natuto ng Tagalog sabi ko sa TV."

Are you willing to go back as a maid now that you are a TV personality?

"Para kasi sa akin kung halimbawa kahit makasali ako sa Survivor or halimbawa gusto kong mag-artista, wala pa rin akong project, siyempre babalik ako kung ano ako dati. Kasi 'yun ang alam kong gawin."

Getting Personal

Did you have a romantic relationship in the past?

"Secret. Napaka-kumplikado parang meron na wala. Meron isa lang. Maagang mag-asawa ang mga tao sa amin, ino-obserbahan ko sila. Buti nalang nasa Maynila na ako."

Comic probinsiyana

How do you come up with your short funny monologues?

"Ako lang sumusulat nun. Noong nagpa-audition ako sa Starstruck kaya hindi mawagli-wagli sa isip ko. Noong araw na wala pang TV sa radio pa ako gumagaya. May mga tao nga na nagreklamo sa English ko pero okay lang."

What talents can you offer to the public?

"Umaarte. Kumanta hindi masyado. Mas magaling akong sumayaw. Naniniwala ako na kapag papasok ako sa ganito ayokong mamili. Kahit anong role. Talagang magaling ka dapat, lahat ng role hindi mo tatanggihan. Drama. Kahit ano po. Marunong po akong magserious, kaso English talagang nahihirapan ako."

How are you different from other aspiring artists today?

"Hindi kaila sa marami na mapuputi sila at magaganda. Ibang-iba sila. As in parang hello! 'matuto kaya ako ng ganyan' 'magkakaron kaya ako ng ganyang damit' ang seksi nila."

"Pero ako po ayoko pong pumuti. Kung ako ang papipiliin, mas gusto ko ang balat ko. Ung iba nga nagpapaitim. Ako gusto ko maitim maiba naman."

Who are your favorite local artists?

"Talagang local lang wala akong kilala sa English. Wala pang cable noong araw. Si Maricel Soriano, kasi sa tuwing umaarte siya nababasa ko sa mukha niya ung ibig niyang sabihin, ung ibig niyang ipahiwatig. At si Binoe (Robin Padilla)."

Survivor of her dreams

What other 'exfosyur' can we expect from you?

"Asahan po nila na may 'exfosyur' pa ako na darating. Mag-iisip na nga po ako pangit pa, so isipin ko dapat maganda."

Why do you think you qualified for Survivor?

"Hindi ako sure kung bakit nakuha ako. Basta eto lang po sinabi ko nung nag-audition ako: 'Karapat dapat ako na makasali sa 16 na hinahanap ninyo dahil naniniwala akong hindi lamang ang pag-aalaga ng bata ang kayang kong gawin, maging ang sarili ko kaya kong i-survive sa sarili kong pamamaraan at bilang ako, kahit na sabihin po nating malayo ito sa kabihasnan o sa makabagong panahon.'"

What's your life after joining Survivor?

"Nandito na po kami sa Maynila nakatira kasama ang nanay ko. Sa south Homes malapit sa GMA-7. Pansamantala lang po naghahanap pa. Ayokong tumira doon - mahal. Hanap ako ng mura lang."

How are you helping your family?

"Sa ngayon wala pa po. Bago palang ako. Akala ng mga tao madali ang pag-aartista mahirap din po. Tutulong din po ako kapag nakaluwag."

Who do you want to win in Survivor Philippines?

"Gusto ko ako! 3 million noh! Si Nanay Zita din. Mas gusto ko siya sa mga natira doon. Siya ang dapat manalo kumpara sa iba. Siya kasi mas close ko sa lahat ng natitira doon. Ayokong sabihin 'yung hindi ko close."

Patani is a regular guest-host in "Unang Hirit" and "Eat Bulaga." She also recently guested in GMA shows like "SiS," "Walang Tulugan with MasterShowman," and "Art Angel's Halloween Special."

SOURCE: http://www.sunstar.com.ph/static/man/2008/10/29/life/up.close.and.personal.with.patani.da.o.html

Sunday, November 2, 2008

Patani Guesting in "The Sweet Life"

Patani shares her interests in the show. As she said, her interests include:
  • "Advertising" - (haha:-P)
  • Newscasting
  • Hosting
  • Singing
  • Dancing
  • Modeling
She also tells her experience auditioning for Starstruck.


SOURCE:http://www.youtube.com/watch?v=ShKj6ji0KeQ
From:
jhune2286

Wednesday, October 29, 2008

Tuesday, October 28, 2008

Balitang Virgin Island # 4 : Patani Show
















This is a youtube blog from sassyqarla commenting on "Da Patani Show" wherein Patani entertains tribe members. Dati pa naman aminado si Patani na gusto niyang magartista at sumali talaga siya ng Survivor Philippines para sa exposure. Nakakatawa talaga siya without trying to be funny. Kung ano ano kasi nasasabi niya! Yun talaga ang charms ni Patani kaya bagay siya sa mga variety show at comedy! Go Patani!


SOURCE: http://www.youtube.com/watch?v=ISQklzIj7l0&feature=related
 

patani, survivor philippines, gma7, unang hirit, eat bulaga, nanny, Kapuso, yaya, domestic helper, philippines, Cebu, Camotes Island, pilipinas, filipina beauty, patani fans, patani fan site, patani daño, Jervy Patani Daño, Paolo Bediones, pambansang yaya, pinoy celebrity