Monday, November 10, 2008
FULHAUS (11/09/2008)
http://www.pinoychannel.tv/watch/v-87808
Thursday, November 6, 2008
Up close and personal with Patani Daño
BECOMING a household name was really a dream come true for household maid Patani Daño.
Despite being rejected several times in various reality TV artista searches, Patani never thought of abandoning her ambition, instead she strived harder to find her crack on TV.
Until finally, a perfect reality show that matched her personality came. Patani used her short stretch in "Survivor Philippines" as a podium to show what she has to offer the public.
She had been able to show off her side-splitting monologues that create laughter within her tribe. She was known as a comical and carefree survivor.
Not all finalists of reality shows could sustain their career in showbiz. Most of them come and go. Luckily, going is not included in Patani's word list.
She signed a contract with GMA Artists Center just recently together with her other female Survivor contenders.
Now that she is sure to be a public figure, the public should know some highlights about the Pambansang Yaya's life.
Who is Patani Daño?
Where did you get the name Patani?
"Sa 13 magkakapatid, ako lang po ang naiiba sa kulay tapos dito po sa Maynila ang patani po ay kilala bilang isang gulay pero sa amin po manok na native. Maitim po."
How do you feel being tagged as Pambansang Yaya?
"Ini-isip ko, e wala naman masama kung katulong ka. Kumbaga 'yung pagiging katulong, never kong ikinahiya 'yun sa buong buhay ko. Kaya okay lang 'yun."
How long have you been a yaya?
"Apat na taon. Kamag-anak ko lang talaga 'yung pinapasukan ko sa Camotes sa Cebu. 'Yung inaalagaan ko pamangkin ko po. Ngayon nag-aaral na siya."
Describe your life at Camotes Island in Cebu.
"Mahirap ang sitwasyon doon. Nakapagtapos ako ng high school sa University of Cebu first year hanggang third year tapos lumipat ako sa Talisay Central Night High School. Pinag-aral ako ng kapatid ko. Kaso mahirap ang sitwasyon doon. Financial ewan ko ba, tatanga-tanga din talaga ako eh. Hindi ako masyado mahilig mag-aral."
"Pangalawa po ako sa bunso. Yung ibang kapatid ko nakapag-asawa na. Yung iba walang trabaho."
Patani the dreamer
Why do you aspire to become a star?
"Mula po ng ipinanganak ako ng nanay ko, ito na po ang gusto ko - maging isang artista. Masayang masaya po ako ng sobra sobra."
"At dahil din po kung habang buhay ka nandon sa amin, mag-aasawa ka lang ng maaga. Kaya ako mataas ang pangarap ko. Ayokong matulad sa iba kong kaibigan puro may asawa na. At bata pa lang iba na talaga pag-iisip ko sa kanila gusto ko talaga 'magka-exfosyur'."
How is your family taking your sudden stardom?
"Masaya po sila sa akin. Hindi nila maisip na nandito ako ngayon, nakikita nila ako sa TV. Kasi noon wala akong pinangarap kundi mag-artista. Naiiba ako sa amin. Nagsasalita ako ng Tagalog ng naglalakad. Nanonood ako ng TV. Tinatanong nila saan daw ako natuto ng Tagalog sabi ko sa TV."
Are you willing to go back as a maid now that you are a TV personality?
"Para kasi sa akin kung halimbawa kahit makasali ako sa Survivor or halimbawa gusto kong mag-artista, wala pa rin akong project, siyempre babalik ako kung ano ako dati. Kasi 'yun ang alam kong gawin."
Getting Personal
Did you have a romantic relationship in the past?
"Secret. Napaka-kumplikado parang meron na wala. Meron isa lang. Maagang mag-asawa ang mga tao sa amin, ino-obserbahan ko sila. Buti nalang nasa Maynila na ako."
Comic probinsiyana
How do you come up with your short funny monologues?
"Ako lang sumusulat nun. Noong nagpa-audition ako sa Starstruck kaya hindi mawagli-wagli sa isip ko. Noong araw na wala pang TV sa radio pa ako gumagaya. May mga tao nga na nagreklamo sa English ko pero okay lang."
What talents can you offer to the public?
"Umaarte. Kumanta hindi masyado. Mas magaling akong sumayaw. Naniniwala ako na kapag papasok ako sa ganito ayokong mamili. Kahit anong role. Talagang magaling ka dapat, lahat ng role hindi mo tatanggihan. Drama. Kahit ano po. Marunong po akong magserious, kaso English talagang nahihirapan ako."
How are you different from other aspiring artists today?
"Hindi kaila sa marami na mapuputi sila at magaganda. Ibang-iba sila. As in parang hello! 'matuto kaya ako ng ganyan' 'magkakaron kaya ako ng ganyang damit' ang seksi nila."
"Pero ako po ayoko pong pumuti. Kung ako ang papipiliin, mas gusto ko ang balat ko. Ung iba nga nagpapaitim. Ako gusto ko maitim maiba naman."
Who are your favorite local artists?
"Talagang local lang wala akong kilala sa English. Wala pang cable noong araw. Si Maricel Soriano, kasi sa tuwing umaarte siya nababasa ko sa mukha niya ung ibig niyang sabihin, ung ibig niyang ipahiwatig. At si Binoe (Robin Padilla)."
Survivor of her dreams
What other 'exfosyur' can we expect from you?
"Asahan po nila na may 'exfosyur' pa ako na darating. Mag-iisip na nga po ako pangit pa, so isipin ko dapat maganda."
Why do you think you qualified for Survivor?
"Hindi ako sure kung bakit nakuha ako. Basta eto lang po sinabi ko nung nag-audition ako: 'Karapat dapat ako na makasali sa 16 na hinahanap ninyo dahil naniniwala akong hindi lamang ang pag-aalaga ng bata ang kayang kong gawin, maging ang sarili ko kaya kong i-survive sa sarili kong pamamaraan at bilang ako, kahit na sabihin po nating malayo ito sa kabihasnan o sa makabagong panahon.'"
What's your life after joining Survivor?
"Nandito na po kami sa Maynila nakatira kasama ang nanay ko. Sa south Homes malapit sa GMA-7. Pansamantala lang po naghahanap pa. Ayokong tumira doon - mahal. Hanap ako ng mura lang."
How are you helping your family?
"Sa ngayon wala pa po. Bago palang ako. Akala ng mga tao madali ang pag-aartista mahirap din po. Tutulong din po ako kapag nakaluwag."
Who do you want to win in Survivor Philippines?
"Gusto ko ako! 3 million noh! Si Nanay Zita din. Mas gusto ko siya sa mga natira doon. Siya ang dapat manalo kumpara sa iba. Siya kasi mas close ko sa lahat ng natitira doon. Ayokong sabihin 'yung hindi ko close."
Patani is a regular guest-host in "Unang Hirit" and "Eat Bulaga." She also recently guested in GMA shows like "SiS," "Walang Tulugan with MasterShowman," and "Art Angel's Halloween Special."
SOURCE: http://www.sunstar.com.ph/static/man/2008/10/29/life/up.close.and.personal.with.patani.da.o.html
Monday, November 3, 2008
Sunday, November 2, 2008
Patani Guesting in "The Sweet Life"
- "Advertising" - (haha:-P)
- Newscasting
- Hosting
- Singing
- Dancing
- Modeling
SOURCE:http://www.youtube.com/watch?v=ShKj6ji0KeQ
From: jhune2286
Wednesday, October 29, 2008
Patani and Gigit in All Star K October 26
Patani was a contestant in All Star K last Saturday. Watch how she sings and guess the correct lyrics :-).
SOURCE:
http://www.youtube.com/watch?v=WB2iR_YKiII
http://www.youtube.com/watch?v=4l-x2OMrS7Y
http://www.youtube.com/watch?v=83WwuF6IvA8
From: myrecordedvideos
Tuesday, October 28, 2008
Balitang Virgin Island # 4 : Patani Show
This is a youtube blog from sassyqarla commenting on "Da Patani Show" wherein Patani entertains tribe members. Dati pa naman aminado si Patani na gusto niyang magartista at sumali talaga siya ng Survivor Philippines para sa exposure. Nakakatawa talaga siya without trying to be funny. Kung ano ano kasi nasasabi niya! Yun talaga ang charms ni Patani kaya bagay siya sa mga variety show at comedy! Go Patani!
SOURCE: http://www.youtube.com/watch?v=ISQklzIj7l0&feature=related
Survivor castoff Patani Daño's cameo role in "Sundo" called off
Wednesday, October 22, 2008
07:07 AM
Rating
Madi-disappoint tiyak ang fans ni Patani Daño dahil hindi tuloy ang unang nabalitaan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na movie project ng pinakasikat sa castaway ng Survivor Philippines.
Dapat sana ay may cameo role si Patani sa horror movie ng GMA Films na Sundo bilang maingay na kasambahay nina Simon Atkins at Iza Calzado, pero nagbago ang plano. Komedyana raw ang dalaga at baka sa halip na matakot ang manonood ng pelikula ay matawa pa.
Isa pang rason na binanggit sa PEP sa hindi pagkatuloy ni Patani sa pelikula ay ang pagiging overexposed nito. Napapanood nga naman kasi regularly si Patani sa Unang Hirit at Eat Bulaga! Bukod pa rito ang guestings niya sa iba't ibang shows ng GMA-7. Sa mga susunod na pelikula ng GMA Films na lang daw isasama si Patani.
Sa interview ng PEP kay Joey de Leon, may mga pahayag ito tungkol kay Patani. Sabi ng TV host-comedian: "Okey lang siya, dapat lang kalkulado. Pang-taping siya, hindi siya pang-live. Hindi pa siya developed at hindi malakas ang boses niya. Dapat pipiliin ang sasabihin niya. Hindi pa niya alam ang pang-TV at hindi pa alam ang dos and don'ts at tawa nang tawa. May tendency pa siyang mapikon. Talagang raw talent."
Ikinuwento ni Joey ang isang episode ng Eat Bulaga! na may tinanong si Vic Sotto na sinagot ni Patani ng hindi pang-TV na sagot. Mabuti at agad naiwas ni Vic ang microphone kay Patani kaya hindi narinig ang sagot nito dahil kung nagkataon, nakatanggap sila ng memo sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
SOURCE: PEP
Survivor Philippines: Patani Daño for FHM?
Ano itong mga nahahalungkat ni Empress Maruja na mga “bagong” picture ng Survivor Philippines castaway na si Patani Daño?
Mga test shot para sa kanyang upcoming FHM feature spread? Intriga huh…
Pokwang offended during Cebu stint when asked about rival noontime show
By:MELBA LLANERA Philippine Entertainment Portal
“Nandun ako para mag-show, hindi para i-promote ang show ng iba,” says Pokwang on her being turned off by a Cebu-based reporter who asked her about Patani Daño.
Nabalita kamakailan na na-offend daw si Pokwang sa pagtatanong ng isang miyembro ng press sa Cebu nang mag-show siya roon kailan lang. Ang rason diumano ay nang tanungin siya tungkol sa Survivor Philippines castoff na si Patani Daño. Ayon sa balita, hiningan daw ng reaksyon si Pokwang tungkol sa usap-usapang si Patani na raw ang pantapat ng GMA-7 sa kanya.
May mga nagsasabing hindi naman daw dapat magalit si Pokwang dahil kung tutuusin, totoo namang si Patani ang pantapat sa kanya ng Siete dahil lagi na ito sa Eat Bulaga, ang noontime show na katapat ng Wowowee na kinabibilangan ni Pokwang.
Agad na hiningan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Pokwang hinggil sa isyung ito.
“Parang ganito ‘yan: halimbawa nandiyan si Britney Spears, tinanong mo siya sa kalaban niyang si Christina Aguillera, sa tingin mo ano ang mararamdaman niya? Nandun ako para mag-show, hindi para i-promote ang show ng iba,” panimula ni Pokwang. Sa pagsagot niyang ito ay kinumpirma niyang totoo ngang natanong siya tungkol kay Patani sa Cebu.
Patuloy pa ni Pokwang, “May nagtanong sa akin na isang press daw dun, nagulat ako kasi akala ko ang pag-uusapan namin is yung show ko sa Cebu, ‘tapos ang tinanong ay di naman related sa show. And besides, yung tinatanong nila sa akin ay yung show sa kabila, so, nakakagulat, di ba?”
Ani Pokwang, hindi nga siya ang higit na na-offend sa nangyari kundi ang mga tagahanga niya at mga sumusuporta sa kanya.
“Actually, hindi ako ang nag-react. Ang nag-react ay yung mga maka-Pokwang. Alam mo naman na marami rin akong fans sa Cebu, sila ang nag-react for me. Ang alam nila, ang itatanong ay tungkol sa show and then bigla ang tanong, out of nowhere, na di related sa show.”
Maganda naman daw ang pagkakasagot ni Pokwang sa tanong sa kanya tungkol kay Patani, lalo’t naniniwala rin siya na malaki ang industriya para sa lahat ng may talentong gustong pumalaot dito.
“Maganda naman ang sagot ko, as long as na tao ang nako-compare sa akin, why not? Ang masakit lang dun ay tanungin mo ako sa show ng kabila. E, alam mo namang Channel 2 artist ako. Pero okey lang, napatawad ko na siya [yung Cebuano reporter na nagtanong].
“Lahat naman kung may talent na puwede mong i-share, welcome dito [showbiz]. Lahat naman tayo may karapatang umasenso at gumanda ang buhay pero nandun kasi ako for a show.”
Nang tanungin ng PEP kung may mensahe ba siya sa mga taong patuloy na nagkukumpara sa kanila ni Patani, heto ang mensahe ni Pokwang:
“‘Di naman ako nagagalit na i-compare ako sa iba. Kung may talent yung tao, bigyan natin siya ng chance pero kung di dapat itanong, ‘wag nang itanong kasi di naman related sa nangyayari.”
Patani Daño: Survivor Philippines Castaway
Dubbed as “Ang Yaya” is 20 years old Babysitter Jervy “Patani” Daño from Talisay, Cebu. After failing to qualify in StarStruck, 20-year-old Patani believes that joining Survivor Philippines might just be her last ticket to showbiz stardom. Born and raised in Camotes Island, Cebu, Patani has always dreamed of becoming a big star. While working as a baby-sitter in her hometown, she strived to learn Tagalog by watching TV shows and practiced speaking the language whenever she was engaged in conversation.
A funny character, Patani loves acting, hosting, and modeling. She said she went to every audition she could just to follow her dream. Now that she has become one of the castaways in Survivor Philippines, Patani believes she’s finally got her chance to be the next big thing. - from GMA7